"Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip,
ayoko ng mabaho, ayoko ng walang tubig,
ayoko ng walang pagkain, ayoko ng putik!!!”
----Maricel Soriano to Gina Alajar in
Maryo J. de los Reyes' “Kaya Kong Abutin Ang Langit”
Kung saan madumi, nakadidiri, mabaho, may nakasusulasok na amoy, (hhmm.. <--ano ang ibig sabihin nun? Heheh.) maantot, nabubulok at napapanis dun naman nagsusumiksik at nagsususuot ang mga pasaway na mga langaw. Di ko nga alam sa kanila kung bakit ganun ang preferences nila, samantalang halos lahat ang gusto ay ang mga bagay at lugar na malilinis, mababango, maayos, magaganda at kaaya-aya. Anu bang meron dun? May ginto kaya dun? O baka may mapagkakakitaan dun?
Na-enganyo tuloy akong silipin at pag-aralang saglit ang buhay ng dalawang magkaibang nilalang----ang langaw at ang kalabaw. Wala naman silang outstanding similarities kaya hindi sila mahirap i-distinguish sa isa’t-isa. Andami nilang differences kaya madali rin silang bigyan ng kakanyahan. Para sa akin, napakakontrobersyal ng phrase na ito: “…para lang siyang langaw sa ibabaw ng kalabaw.”. Oo, napakahilig nating mga Pinoy sa mga katulad nitong mga pasaring na tila simple lang ibig sabihin ngunit may subliminal na mensaheng nais ipahatid. Sabi nila sadyang maka-Silangan ang ganitong pagpapahayag ng damdamin. Hindi tayo sanay na diretso ang pagpapahayag ng ating mga damdamin o saloobin. Kaya puro pasaring na lang ang ating sandata upang maipahayag ito at ng hindi ganun katindi epekto nito sa taong pinag-uukulan.
Eto ang mga resulta sa mga na-research ko tungkol sa mga langaw. Biruin mo andami palang mata ng isang langaw. Flies have over 4,000 facets for sight in each eye. Flies are attracted by movement more than color. Flies have a smelling distance of over 750 yards. Eto pa, a fly's feeding range is usually limited to two miles. Malayo rin pala ang nararating nila bilang mga ‘mini scavengers’. Di niyo ba alam na, a single garbage can, if not emptied, can be the breeding ground for 30,000 flies. Wala silang konsepto ng “family planning”. At eto pa, during warm weather, a fly can produce a family generation in less than two weeks. Kaya pala ang sobrang bilis nilang dumami.
Eto naman ang mga na-research ko tungkol sa mga kalabaw. Anga kalabaw o carabao ay kilala bilang beast of burden. Sobrang sipag nila. Biruin mo maglakad ka ba naman ng paulit-ulit sa iisang lupain. Kilala rin sila bilang mga water buffalo. Lagi silang nasa putikan. Malamang hindi nila kasama si Maricel Soriano. (Hehehe..) Kasi ayaw niya dun, sinu ba naman ang may gusto bumilad sa araw at sa maligo o magbabad sa putikan. Eto pa, alam niyo ba na before about 1925, a carabao costs 50 pesos. Syempre pa, the carabao is considered as a national symbol of the Philippines. Simbolo daw kasi ito ng kasipagan kaya siya napili. (Sana totoo nga!) Alam nyo ba na may island na malapit sa Manila Bay na ang pangalan ay Carabao. (Eh anu naman?! Hehehe..)
Marami pa tayong pwedeng malaman tungkol sa dalawang nilalang na ito. Maari pa tayong mabigla sa mga bagong madidiskubre natin tungkol sa kanila. Eh anu naman ang kinalaman nun sa mga katagang: “…para lang siyang isang langaw sa ibabaw ng kalabaw.”? Ewan ko. Mahirap bigyang buhay ang eksaktong diwa nito. Eh anu naman kung may langaw sa ibabaw ng kalabaw?! May masasaktan ba? May mamamatay ba?
Minsan ang hirap hanapan ng tamang perspektibo ang mga katagang tulad nito. Kasi maraming possibleng ibig sabihin ito. Puno ng pag-aalinlangan kung tama ba, mali ba, sobra ba o kulang ba ang pagbibigay interpretasyon sa mga tulad nito. Pwede rin kasi itong manggaling sa isang kapwa langaw niya na naiinggit lang at nais rin maabot ang ganoong estado. Maari rin sa isang concerned citizen na langaw na nakakapansin. Pwede rin naman sa kalabaw na tinutung-tungan at walang malay na tini-take advantage siya. O di kaya sa kanya mismo, na minsan lang makalasap ng makarating sa itaas ay siya namang tindi ng pagyurak sa mga nasa ibaba. May mga dapat unawain at may mga hindi. Nilalang din sila ng Diyos kaya't sila rin ay may saysay.
Ang hirap sigurong maging langaw? Eh ang maging kalabaw?
Minsan kasi ‘tao’ rin sila eh.