I got this from Mishi again. Hehehe..
PRE-SCHOOL :
1. Ano ang sinasabi mo noong bata ka pa na gusto mong maging paglaki mo?
· Ayon sa mga nakakaalala, madalas ko daw sabihin na gusto kong maging Presidente ng Pilipinas. Hindi ko alam kung bakit. Akala ko nga may course sa college para dun eh. Hehehe.
2. Ano ang isang bagay na na-enjoy mong gawin noon?
· Kung si Mishi ay nakikipaglaro sa kalye, ako sa kalsada. Nakatira kami kasi dati sa Cubao, specifically sa Murphy. Walking distance lang ang Ali Mall at SM Cubao . Hehehe.
3. Bakit?
· Ganun talaga kapag laking Cubao ka. San ka maglalaro sa EDSA highway? Hehehe. Pwede rin siguro ang patintero, mas malawak. Kaso pag natalo ka, patay ka na. Edi tapos na ang laro, uwian na! Hehehe.
4. Anong age ka pumasok sa school?
· 5 ata. 6 ata. Di ko na matandaan.
5. Sinong 'buddy' mo noon?
· Buddy? Wala. Maaga akong naging loner. Hehehe.
6. Anong pangyayayari ang hindi mo makalimutan?
· Nung kinder graduation namin, pina-memorize ako ng teacher naming ng isang essay na 7 o 8 atang paragraphs na nakalagay sa isang yellow paper. Take note, back-to-back pa. Tapos, i-rerecite ko daw yun sa graduation day namin. Isipin mo, bata pa lang ako pinapa-memorize na sa akin ang ganun kahaba. Ibinigay lang siya sa akin mga 1 week before the graduation day. Tapos, ineexpect daw nila na word per word ko dapat banggitin lahat ng nandun. Waahhh!!! Biktima ako ng child abuse!! Hehehe. Joke. Sa awa ng Diyos, umiiyak ako habang nag-rerecite ako nung essay nung graduation kahit ang saya-saya ng message nung essay. Naiiyak ako sa pressure at takot na magkamali. Hehehe.. Maaga akong nagsimulang magbigay ng speech. Haayy.. Hanggang ngayon tuloy nag-speech pa rin ako kahit di na kailangan . Hehehe.
7. Kilala mo pa mga teachers mo?
· Hindi ko na maalala ang mga pangalan nila. Pero kilala ko sila mukha pag nakita ko. Yun eh kung buhay pa sila. Hehehe.
8. Iyakin ka ba noon?
· Hindi. Mag-enjoy ka ba naman sa pagiging loner eh, iiyak ka pa ba? Hehehe.
GRADE SCHOOL :
10. Sinong principal nyo noon?
· Sa Claret School, si Mrs. Teresita Anastacio. Sa St. Matthew’s Academy, si Mrs. Annie Tejano.
11. Anong paborito mong laro?
· Family Computer (Tetris, Battle City, etc.), Game ‘N Watch, Football (Soccer), Badminton, Baseball (Sa village lang namin), Table Tennis, Agawang Base, Tumbang Preso, Patintero, etc.
12. May club ka bang sinalihan?
· Sa Claret, Math Club. Hindi ko nga alam kung bakit. Para ngang hindi ako nag-enjoy nun eh. Gusto ko nga sanang mag-Science Club kaso mga nerds ang nandun eh. Sa St. Matthew’s Academy, di ko na maalala.
13. Maingay ka ba sa klase?
· Gustuhin ko man, hindi pwede kasi ako ang naglilista ng Noisy at Standing sa blackboard namin eh. Tapos, presidente pa ako nun ng class namin. No choice, kahit maingay talaga ako, hindi pwede. Hehehe..
14. May kinakatakutan ka bang teacher noon?
· Sa Claret, Si Ginoong Robert dela Cruz at si Mrs. Darilag. Sa St. Matthew’s Academy, wala.
15. Bakit?
· Si G. Robert dela Cruz--Grabe, kasi siya kung magsalita. Parang si Big Brother ang boses. Sobrang higpit na adviser, mas mahigit pa sa magulang ko. Si Mrs. Darilag—naku, parang lalamunin ka ng buhay. Lalo na yung boses niya, parang si Ms. Tapia.
16. Pano ka pumupunta sa school?
· Sa Claret, may service ako. Minsan, sabay kami ng Mom ko. Sa St. Matthew’s Academy, may service, tapos ng-cocommute na lang pag minsan.
17. Marunong ka na bang mag-commute ng panahong ito?
· Oo. Dapat lang siguro.
18. Paano ka mag-aral?
· Anu pa ba?! Edi nag-aaral habang nasa harap ng T.V. Tinatanong pa bay un?! Hehehe.
19. Mahilig ka bang kumain ng tusok-tusok?
· Sa Claret, hindi. Bawal kasi yun sa amin. Pagagalitan ka ni Mrs. Misa, ang prefect of students. Tapos, kakantyawan ka pa ng mga classmates na “buying vendors”. Hehehe. St. Matthew’s Academy, hindi rin. Hindi naman talaga ako kumakain ng kung anu-ano pag nasa school eh.
20. Responsible ka bang estudyante?
· Ewan. Sa Claret, ang unang award ko ay “Most Honest”. Tapos nagging “Best in Co-Curricular”. Hehehe. Sa St. Matthew’s Academy, medyo naging competitive at nagseryoso ng konti for some reasons.
HIGHSCHOOL:
21. Saan ka nag-high school?
· St. Matthew College
22. Anu mga section mo?
· I-Aldrin; II-Galileo; III-Edison at IV-Pasteur
23. May-CAT ba kayo noon?
· Oo. At maraming memories. Nandyan yung pinagbintangan kami (package friends) na kami daw ang bubuwag sa CAT. Whaaattt?!! Threat daw kami?!! Hehehe..
24. Naging class officer ka ba?
· Oo. Di ko mantandaan ang mga position.
25. Kumakain ka ba habang nasa klase?
· Oo. Bakit? Bawal ba?! Ay, bawal pala. Hehehe.
26. Tamad ka bang pumasok?
· Hindi. Kasi masaya sa school at ang mga classmates ko nun eh.
27. Sinong principal nyo noon?
· Si Mrs. Teresita Ignacio Felix.
28. Kilala ka ba nya? Ano tawag nya sa'yo?
· Oo naman. Siya pa. Mr. Gutierrez o kaya minsan, Alvin pero super exaggerated ang pronunciation, nawawala yung “l” at “i”. Hehehe.
29. Paano?
· Maraming paraan. Minsan dahil sa mga contests. Tsaka, lalo na yung nakaaway ko siya dahil din sa isang contest. Grr.. Long story. Basta, at least okay na kami. Hehehe.
30. May award ka bang natanggap non? anu-ano?
· Sa loob ng school: 1st Year: Nasa Top Ten ng Batch; 2nd Year: Nasa Top Ten ng Batch, Best in Biology at Best in Asian Studies; 3rd Year: Nasa Top Ten ng Batch, Best in Chemistry; 4th Year: 2nd Honorable Mention, Special Award in Theater Arts. Sa labas ng school: yung Rotary Contest, 3rd place. Yung mga iba di ko na maalala. Hehehe.. Thank God!
COLLEGE:
31. School mo?
· University of Sto. Tomas
34. Meron ka bang org na sinalihan?
· Meron naman.
35. Ano?
· Legal Management Society; AB Debate Parliament; Red Cross-UST-AB Chapter
36. Naniniwala ka ba na pag college ka na, matatagpuan mo ang true love mo at hindi sa highschool?
· Kahit nasa nursery ka pa, kung kayo ang itinidhana eh di kayo talaga. Hindi na kailangan pang sa college kayo magkita.
37. Embarassing moment?
· Anu pa? Edi yung mga tapilok moments. Clumsy kasi. Hehehe..
38. Unforgettable moment?
· Kulang ang space na ito sa dami. Hehehe.
39. Pano gumalaw ang mga tao sa eskwelahan mo?
· Bakit may iba pa bang galaw ang tao kung hindi yung normal lang. Hehehe.. Parang wala ka lang maitanong eh. Hehehe.
-----------------------------------------------------------------------------------------
**Bunga ng pressure dahil malapit ng magpasukan ulit.