Sa mahigit 16 years kong pag-aaral, parang ngayon ko lang hiniling na magkaroon ng sembreak. Nung college pa ako (Hmm… Parang mahabang panahon na ang nakalipas.. Hehehe..), mga 7 buwan na ang nakakalipas, hindi ko inaantabayanan na mag-sembreak na. Sa totoo lang, parang regular Saturday at Sunday lang siya sa akin. Kasi parang wala rin naman siyang epekto sa sobrang ikli at bilis ng panahon. Pero ngayong nasa law school na ako, parang very special holiday siya sa akin.
Nung pumasok ako sa law school, akala ko tulad ng mga Post Graduate Studies, eh wala masyadong pressure at stress. Yun pala, dumoble at trumiple pa.
- Laging may assignment na binibigay. Walang palya sa pagbibigay ang mga law professors ng mga bulto-bultong babasahin. Parang walang normal na tao ang makakatapos sa pagbabasa nito. Kulang ang 24 oras sa pagbabasa sa patung-patong na mga kaso at babasahin. Parang malapit ko na ngang maging motto ang philosophy ni Kuya Germs na “Walang tulugan!!” Syempre pa, kasama pa ang Monday hanggang Saturday Group ng ‘That’s Entertainment’. Hehehe.. By the way, Monday hanggang Saturday pasok naming at walang rest day. Wala na nga ata akong sense of time eh.
- Syempre pa, napaka-importante ng attendance. No more, no less.
- Kailangan mong hintayin ang law professor, kahit 15 minutes na lang ang natitira sa time niya at mag-uuwian na. Kasi paghindi ka naghintay at dumating siya, lugi ka pa. Ganun din ang mararamdaman mo kahit hindi man siya dumating. Haay.. The key word is: kailangang sulitin ang tuition fee.
- Eto pa, siyempre dahil kailangan sulitin ang tuition fee, edi magtiis ka dahil sinusulit ng din ng law professor ang panahong inilalaan niya sa pagpunta sa klase kaya sasagarin niya ang time niyo hanggang sa mapapansin mong pinapatayan na kayo ng ilaw ng security guard nung school. In other words, kayo na lang hinihintay para magsara na sila.
- Siyempre pa ulit, ang grading system, 1-100, hindi 1.0-5.0. Kaya parang sa sobrang lawak at precise nung grade na matatanggap mo ay hihimatayin ka at walang poknat ang kaka-compare ng grades mo sa iba. Di tulad nung college, at least kapag 88 ka, alam mong 2.0 ka na kahit 90 yung grade nung pinakamataas niyo, magka-level lang kayo. Hehehe.. Edi mas favorable sa’yo yun. Pero sa law school, kalimutan mo na yun.
- Present lagi ang class cards. Pero nung college kami, 1st year lang kami nag-class cards, the rest of our stay ay through the internet na ang grades namin. Mas high-tech. Ngayon, back to basics and antiquity kami, depende ata sa school yun eh.
- Syempre, pwede pa ring hindi pumasok sa isa sa mga subjects mo sa araw na iyon. Pero, siguraduhin mo na hindi ka lugi kasi tuso rin ang mga law professors mas tuso kesa sa mga college professors. Andyan yung mag-quiquiz kasi wala ka o magbibigay ng bonus, na once-in-a-bluemoon lang ata mangyari yun, o di kaya tatawagin ka sa recitation at dahil wala ka edi double 50 ang grade mo for that day.
- Naku, napaka-simple rin ang pagcompute ng grades dito: 1/3 midterms, 1/3 recit/quiz after midterms at 1/3 finals. Syempre, subject to change yan depende kung ka-fraternity or ka-sorority mo yung prof or kung tamad magcompute yung professor mo edi anu pa ba, ang ancient grading system, Madam Auring kaw bay an?! Hehehe..
- Halos sa gabi lahat ng klase mo. Yung tipong fresh na fresh ka na papasok tapos yung mga nakakasalubong amoy araw na. At ikaw na lang ang nag-aabang sa kabilang side ng kalye samantalang nasa kabilang side na ang lahat na nag-aabang. Tsaka yung buong pamilya mo nasa bahay na, tapos ikaw papasok pa lang. Ang ganda ng schedule mo di ba. Bakit ganito ang schedule? Simple, kasi yung law professors ay nagtatrabaho sa umaga at sa gabi lang sila pwedeng magturo. Yung iba nga ‘hobby’ na lang nila eh. Hobby meaning, pwedeng papasukan nila kung kelan nila gusto parang nag-gogolf, naggagantsilyo o nag-crocross-stitch lang sila.
- Syempre may sembreak, pero ang sembreak ay parang umihi ka lang sa bahay niyo from school, tapos babalik na kayo. Haay.. At least pina-ihi ka pa, sa bahay niyo nga lang. Sorry na lang kung malapit ang bahay mo.
- Post Graduate Studies talaga siya kung tutuusin, pero mixed with Highschool at College lifestyle. Eto lang post-graduate studies with a twist, kasi two occasions in one event.
- Kasi ina-assume na nung mga law professors na alam mo na ang lahat kahit ang pre-law course mo eh B.S. Biology, B.S. Civil Engineering, B.S. Meteorology, B.S. Agriculture major in Feeds and Breeds (Hehehe.. meron ba nun?!) at kung anu-ano pang course na napakalayo sa field of law. Ganyan talaga, graduate ka na eh.
- Pwede ka pa rin naman mag-work habang nag-aarala, yun eh kung kakayanin ng powers mo ang bulto-bultong mga readings at cases.
- Walang pakialamanan, except kung may frat or soro ka. Kanya-kanya, yun lang.
- They’ll say na mature individuals na kayo, pero ang approach nila sa inyo ay parang kahapon lang kayo ipinanganak, lalo na sa recitation. Degrading at excruciatingly embarassing everyday. Parang nagbayad ka para pahiyain at yurakan. Malapit na nga ito sa pagiging masokista. Well, they’ll say that it’s a part of the training. Hmm.. Sige na, training to be ferocious animals?!
And many more reasons to ask for a sembreak.
Pero bago muna magsembreak, kailangan munang dumaan sa apoy ng finals.
At the end of the day, it’s not only the learning that counts;
Neither the prestige and riches, neither fame and brilliance..
It’s the greatest reward that you can have----
the GODLY CHARACTER, that will spell the big difference after all.
4 comments:
i so love being out of school!!! hahaha.
i miss it too.
jaja
thanks. that's encouraging though.
hehehe..
by the way, have you read the book "FREAKONOMICS"?
(sigh)
ngaun lam ko na kng anong hirap pag nag-law...
pero kaya mo yan! kaw pa?!
hayaan mo sooner or later all ur efforts will pay off...
simula pa lng yan...
mraming pang dadating kya u have to work hard on it!
mas masarap kung pinaghihirapan di b?
good luck on ur law school!!! ;)
thanks ha. oo nga eh. lagi namang may pain sa pag-sisimula ng isang bagay eh. pero I pray with God's grace, I can finish this race for His glory.
salamat sa encouragement. super naappreciate kita.
Post a Comment