Friday, April 20, 2007

Breaking News # 1: Jollibee's Real Identity Revealed

Sobrang init.

Ang hirap mag-isip ng pwedeng maisulat. Bigla kong na-realize, hindi talaga ako tatagal sa isang disyerto. Pero bakit nung nagpunta kami ng Saudi Arabia kinaya ko? Hehehe.. Magdamag kasi ang aircon sa bahay namin dun. Dito, pilit kong pinipigilan ang timer ng aircon para mas humaba-haba ang pag-eenjoy.

Walang kinalaman dyan ang entry na ito.
Ala lang.

Gusto ko lang i-share ang isa sa mga walang katuturang trivia na nalaman ko mula sa isang kaibigan at classmate nung college. Minsan ko lang bisitahin ang blogsite ni RJ kasi hindi naman gumagalaw ang site niya. Wala namang pagbabago, puro promotion lang nung mga negosyo niya. Pero minsan naisipan kong bisitahin at mas lalo akong na-enganyong tingnan kasi sabi niya alam na daw niya ang tunay na pangalan ni Jollibee.

Sabi niya, kung Ronald McDonald daw ang buong pangalan ng Mc Donald's. Dapat si Jollibee rin daw meron din. Kaya yun, habang naglalakad sila ni Vier ng mga papeles ng kanilang negosyo inabutan sila ng lunch sa isang Jollibee branch. At yun na! Nakita na nila ang tunay at buong na pangalan ni Jollibee.

Ready na ba kayo? Naku, exclusive ito.
O eto na:

Kung sa McDonald's may Ronald McDonald, sa Jollibee naman ay may:

JOLLIBEE N. DOMINGO

Heto ang katibayan:

Ito ang pruweba niya.
Pinoy na Pinoy talaga!
Take note, may middle initial pa.
Woohoo!! Bwahahaha!!!


Nakakapang-init ng ulo, di ba? Hehehe.
Gaya ng sabi niya, wala na akong masasabi pa.
Naku, dapat next time pati middle name niya alam ko na.

P.S.
Sa Jollibee Bida ang sarap!
You're the best!! (Hehehehe...)
RJ, wala kang kupas!!


1 comment:

afg said...

Babala:
Huwag maniwala.
Ang maniwala, "__________"!
Hehehehe...